Bakit Mahalaga Pag-Aralan Ang Ekonomiks
Bakit mahalaga pag-aralan ang ekonomiks
Answer:
Ano ang kahalagahan ng Ekonomiks?
- Makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon
- Magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang maunawaan ang mga napapanahong isyu ukol sa mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa.
- Maaari mo maunawaan ang mga batas at programang ipinatutupad ng pamahalaan na may kaugnayan sa paglago ng ekonomiya.
- Maaari mo ding magamit ang kaalaman sa ekonomiks sa pag-unawa sa mga desisyon mula sa mga pagpipilian na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan.
- Sa mga isyu tungkol sa pagkita, paglilibang, pag-aaral, paggasta, at pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan ay maaari mong magamit ang kaalaman sa alokasyon at pamamahala.
- Ang iyong kaalaman ay makatutulong upang makapagbigay ka ng makatuwirang saloobin tungkol sa mahahalagang pagdedesisyon ng iyong pamilya.
- Maaari din itong humubog sa iyong pag-unawa, ugali, at gawi sa pamaraang makatutulong sa iyong pagpili ng desisyon para sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa hinaharap.
Comments
Post a Comment